- Ang dami na talagang BADING ngayon... Tsk, tsk... Just look around you pag nakasakay ka sa jeep sa umaga, nakapaligid ang mga lalaking walang kagentle-gentleman sa katawan... Merong ayaw mag-abot ng bayad. Deadma kunwari sa taong nakikisuyo na iabot yung bayad. Tapos yung mga magmo-move pa sa dulo pag may sasakay eh nakita na nga nilang matanda yung sumasakay... Daig pa ata ang bakla! Mas matatanggap ko pa nga ata kung bading nga talaga sila eh... Tsk, tsk...
- At siyempre nakaka-irita din yung mga taong sobra kung makaaupo... Yung tipong feeling niya dalawa yung ibinayad niya... Pag lalaki, bubukaka ng sobrang luwang na parang 2 tao na yung kasya! Pag babae naman, sobrang naka-tagilid kung makaupo! Hay nako, ang insensitive ha!
- Hindi ko alam kung masyado lang ako nago-overreact sa mga bagay-bagay, or nagiging oversensitive, or nago-overexpect lang ako... Hindi nga ata talaga maganda pag sobra...
- Bakit ganun? Feeling ko parang wala akong karapatang magalit... I'm confused if it's self-proclaimed or impressed by other people...

0 showed love
Post a Comment
<< Home