Komplikado
Bakit ganoon ang buhay? ang daming bagay ang hindi mo maunawaan. Ang daming tanong na hindi mo alam ang kasagutan. Ang daming problema na hindi mo malaman at mahanap ang solusyon. Ang daming kaisipan o ideya na hindi mo maintindihan at hindi mo mapagtagni-tagni. Ang daming mga pangyayari na hindi mo maunawaan kung bakit nangyayari. Naisip ko tuloy, komplikado ba talaga ang buhay? O sadyang tao lang ang nagpapa-komplikado nito?
Pagkukunwari
Kung papapiliin ang tao kung paano niya gustong mabuhay sa mundo, mas nanaisin niya ng mabuhay ng puno ng kasiyahan. Pero hindi ito ang realidad. Dahil sa ayaw man niya o sa gusto, nariyan ang mga pagkakataon na siya'y nalulungkot, nasasaktan, nahihirapan. Minsan nga, mas madalas pa na ito ang nararamdaman niya kaysa sa ninanais na kasiyahan. At kung may nararamdaman man siyang tuwa sa kanyang puso, hindi naman niya ito malubos. Bakit ganito ang nararamdaman ng tao? Dahil sa pagkukunwari. Iba ang sinasambit ng kanyang bibig sa sinasabi ng kanyang puso. Iba ang ipinapakita ng kanyang kilos sa idinidikta ng kanyang isip. Ang tao ay puno ng pagkukunwari...
P.S.
Ayan, unti-unti nang bumababa ang presyon ko dahil sa sobrang inis ko kanina...Haayyy...sorry Lord...
Kelan kaya gagaling ang sipon at ubo ko? :(

6 showed love
Iba ang sinasambit ng kanyang bibig sa sinasabi ng kanyang puso. Iba ang ipinapakita ng kanyang kilos sa idinidikta ng kanyang isip. Ang tao ay puno ng pagkukunwari
iniimpluwensiyahan kasi tayo ng ating kultura, ng ating mga tradition, ng ating mores at norms na gumawa ng mga bagay-bagay na hindi naman talaga natin gustong gawin.
gwyn!!!! :) ganda ng layout! :) at ngayon ko lang nahagilap itong blog mo..sarap basahin mga muni-muni mo..ok lang i-link kita? GOdbless! :)
Romanians Win Top Prizes in Copenhagen
Romanian-born director Radu Mihaileanu won awards at the Copenhagen International Film Festival for best movie and best script for "Live and Become," a film about an Ethiopian boy who struggles to integrate ...
Learn How To Build Muscle Fast by getting James Jordans Free Course at: weight training at home
siguro nga myra, nagk-conform tayo sa sinasabi ng society... on a more personal level naman, ayaw natin makasakit ng ibang tao or ayaw natin makita nila kung sino ba talaga tayo...
hi hazel! thanks! love ko color blue! :D pero di ako nagdesign nyan! :D musta na? miss na kita!:( sure, kaw din ili-link ko ha? :) God bless!
gwyn, ganyan talaga noh? mahirap at kumplikado.:( ...at oo, me mga panahon kailangan magpanggap. [..paminsan sa sobrang pagpapanggap hindi mo na alam kung ano yung totoo.ex. job interviews. hehe] o well. dear, i hope you're feeling better nowadays [physically and emotionally]. feel free na magmuni muni uli. nakakagaan ng loob paminsan.
hi tin! yah, nakaka-relieve nga pag nagmumuni-muni...thanks sa comment! ;) magmumuni-muni ulit ako sa susunod..hehe! :D well, i feel ok na these days...thanks again! ;)
Post a Comment
<< Home