Grrrrrrr! Kasura talaga!!!
Ganito pala yung feeling pag biglang nag-shift yung mood mo from being quite ok to being extremely annoyed...
Paalis na ko ng bahay, kani-kanina lang before ako magpunta dito sa internet cafe. Eh di nagpaalam na ko sa tito ko na magi-internet lang ako. Palabas na ko ng gate ng biglang humirit ang nuknukan sa daldal kong pinsan ng, "Wag ka magpapagabi ha!". Everytime kasi na may lakad ako, yun yung ibinibilin sakin ng tito ko, wag ako magpagabi na mas madalas eh hindi ko nasusunod. Masarap kasi makipag-kwentuhan e! :) Saka, basta... Anyweiz, alam ko namang nagjo-joke lang yung pinsan ko nung sinabi niya yun pero mali kasi ang timing eh. "Paktay," sa isip-sip ko pagkasabi niya nun. Ginabi kasi ako ng uwi last night. Biglang narinig ko boses ng tito ko, sabi, "Oo nga, anong oras ka na pala nakauwi kagabi? Nung humiga na ko sa kwarto di ka pa dumadating?" Sagot naman ako, "Mga 11 po." Tanong ng tito ko, "Bakit ka ginabi?" Haay, eh di explain naman ako kung bakit. To make the long story short, napagsabihan ako (which I consider as napagalitan) ng hindi oras. Ang daldal kasi ni Gerard e! Kasura! Ok, I know, my fault din ako kasi nga umuwi ako ng gabi. I admit that. Nakakainis lang kasi na magbibiro siya ng ganun eh alam naman niya na nandun yung tito namin at paalis na ko ng bahay nun. Alam ko naman na kakausapin at pagsasabihan ako ng tito if magkaroon ng pagkakataon pero not in that situation. Ayun, naiinis lang ako. Meron talagang mga tao na careless magsalita...
Haayy, eto pa isa. Nakakainis pala pag may text ng text sayo na the same thing lang naman ang sinasabi. Everytime na tumutunog phone ko, akala ko may ibang nag-text. Yun pala siya lang din. Ok fine, kaso pagbasa mo ng message, yun at yun lang din naman ang sinasabi. At first I thought ok lang. Nakaka-irita din pala...
Haayyy, ewan... Basta right at this very moment nabubwisit ako...

2 showed love
agh. yan ang ayaw ko kaya di ako nakikitara sa relatives ko. pagpasensyahan mo muna, tapos alis ka agad pag nagka-work ka na! :)
oo nga e, kailangan ko na magka-work! hehe! actually, mahirap talaga makisama sa relatives lalo na pag di mo naman talaga ka-close. ang hirap kumilos, di ka komportable...
Post a Comment
<< Home