Balik UP
Na-miss ko ang UP! Salamat kina Rye, J-anne and Joey na kasama kong kumain ng sandamakmak sa Mang Jimmy's at tumambay sa Sunken at mag-reminisce. Hehe! Ang sarap ng feeling na muling mapunta sa lugar na madalas mong tambayan nung college. Nostalgic.
Maglalakad-lakad pa sana kami from Sunken hanggang sa may University Arcade para mag-isaw kaso naisipan namin bigla na mag-biking sa Circle. Hihi! So right there and then, sumugod kami sa Circle na parang mga batang sabik sa bike. In fairness ha, mabilis pa din pala ako mag-bike kahit matagal ko na di nagagawa yun. Yun nga lang, nanakit mga paa at mga braso ko. Ang tagal nang di nabatak. :D
After mag-bike, pinuntahan namin si Juzi sa may Max's sa Circle din. Dun kasi naghihintay ang babaeng stressed daw pero di naman mukhang stressed. :D Sayang Juzi, di ka tuloy nakasama sa pag-emote sa Sunken saka sa pagba-bike. Hihi! So yun, nag-punta naman kami ng Trinoma kasi di pa daw nakakapunta dun sina J-anne and Juzi. Dumaan kami sa underpass papuntang City Hall. Akalain mo, may magandang underpass sa Quezon City Circle. Amazing.
Pagdating sa Trinoma, syempre nag-picture-picture muna kami, dun sa may mga tubig-tubig-an at garden-garden-an. At may Christmas lights and decors na pala dun kaya lalong gumanda yung place. Relaxing tumambay. Naalala ko nung college, SM North ang madalas namin puntahan at tambayan kapag wala ang prof o kaya pagkatapos mag-exam or mag-submit ng paper. Maya-maya, nagutom na kami kaya nag-dinner na kami sa Food Choices. Nabusog ako sa food saka sa kwento. Hehe! Tapos, ikot-ikot sa place kasi gusto namnamin ni Juzi yung Trinoma. Hehe!
Hay, kaka-miss ang college. Yung mga lugar na madalas mong puntahan noon. Lalo na yung mga taong madalas mong kasama sa mga lugar na yon. Gels, tambay ulit tayo sa UP!
P.S. Tinatamad ako mang-dekwat ng pics so view them
here and
here na lang. :)
---